PCG, kakausapin ang iba pang mangingisdang ginipit sa Bajo de Masinloc ng CCG

Kakausapin ng Philippine Coast Guard ang mga mangingisda na kasama sa mga ginipit ng Chinese Coast Guard sa Bajo de Masinloc para magsumite ng affidavit sa nangyari.

Ayon kay PCG Commodore Jay Tarriela, nangyari ang insidente ilang araw bago ang pag-uusap ng Pilipinas at China para sa mas malakas na makanismo at kumonikasyon sa usaping West Philippine Sea noong January 17.

Aminado ang PCG na pinapakita ng China na kontrolado nito ang Bajo de Masinloc pero hindi ibigsahin na papayag na lang ang Pilipinas dito.

Naalarma naman ang Armed Forces of the Philippines sa bagong insidente ng harassment ng China Coast Guard.

Sinabi ni AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, handa rin ang militar na palakasin ang kanilang mga operasyon sa pagtatanggol ng pambansang teritoryo kasunod ng insidente.

Kinondena din ng National Security Council ang insidente at umapela rin ito sa China na ipakita sa gawa sa halip na salita na seryoso itong pahupain ang tensyon sa West Philippine Sea.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *