PCG, makikilahok sa 2024 Balikatan Exercises

Sa unang pagkakataon, sasali ang Philippine Coast Guard (PCG) sa 2024 Balikatan Exercises sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.

Magkakaroon ng joint sailing exercise ang mga barko ng Pilipinas, US, Australia, at France sa exclusive economic zone (EEZ) ng bansa.

Hindi naman kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kung dadaan sila sa mga lugar na sinakop ng China sa West Philippine Sea, kabilang ang Panganiban Reef.

Ayon kay 2024 Balikatan Exercises Executive Agent Colonel Michael Logico, isasagawa nila ito upang ipakita ang kakayahan ng Pilipinas, kasama ang PCG.

Ang 2024 Balikatan, na tatakbo mula Abril 22 hanggang Mayo 10, ang magiging pinakamalaking iteration ng taunang joint military exercise sa partisipasyon ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno at ng sandatahang lakas ng iba’t ibang bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *