PCG, na-recover na ang kanilang X o Twitter account matapos ma-hack

Hindi rin nakaligtas ang opisyal na X o twitter account ng Philippine Coast Guard matapos itong mapasok ng mga hacker ngayong araw.

Dahil dito, agad na nakipag-ugnayan ang Coast Guard Public Affairs Service (CGPAS) sa X Support Team para iulat ang insidente.

Kasunod nito, nanawagan ang PCG sa publiko na maging maingat sa pagtanggap ng mga succeeding tweets mula sa nasabing nakompromisong account.

Samantala, matapos ang hacking incident agad namang narecover ng PCG ang opisyal nilang account sa tulong ng X Support Team at pinalakas na rin ng ahensya ang kanilang mga hakbang sa seguridad upang maprotektahan ang aming account laban sa mga security breaches.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *