PCG, nagbabala sa pagdami ng pro-China trolls at influencers online

Nagbabala ang Philippine Coast Guard sa pagdami pa ng pro-China trolls at influencers sa online.

Ito at sa gitna ng patuloy na paglalantad ng gobeyerno sa mga iligal na aksiyon ng China sa West Philippine Sea.

Ayon kay PCG spokesperson for the WPS Commodore Jay Tarriela, gumagamit ang China ng iba’t ibang social media platforms at dumidipende sa trolls para magkaroon ng maling impormasyon ang mga Pilipino, mahati at hindi magkaisa laban sa China para ma-counter ang transparency strategy ng gobyerno.

Naniniwala si Tarriela, na naging epektibo ang insiyatibo ng gobyerno sa pagkakaisa sa mga Pilipino at ma-counter ang tumaas na disinformation ng China sa WPS.

Sa pamamagitan kasi aniya ng transparency strategy ng pamahalaan, nagiging epektibo ang gobyerno sa pag-educate sa mga Pilipino at pagbabahagi ng tamang impormasyon sa international community.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *