PCG, nakikipag-ugnayan na sa China hinggil sa pagbangga ng cargo vessel sa bangka ng Pilipino

Nakikipag-ugnayan na ang Philippine Coast Guard sa China kaugnay ng pagbabangga diumano ng isang Chinese cargo vessel sa bangka ng mga mangingisdang Pilipino sa dagat ng Paluan, Occidental Mindoro noong Disyembre 5.

Ayon kay PCG ADM. Ronnie Gavan sa China nakarehistro ang nasabing cargo vessel ngunit hindi pa tukoy kung mga Chinese ang sakay nito.

Giit ng mga mangingisda may-araw pa ng mangyari ang insidente kaya imposibleng hindi sila nakita.

Idinadaing din ng mga apektadong mangingisda at may-ari ng bangka ang pwerwisyong inabot ng kanilang kabuhayan.

Naghain na sila ng maritime protest sa Coast Guard na nag-iimbestiga na sa insidente.

Sa ngayon wala pang nakukuhang sagot ang PCG mula sa China ngunit tiniyak nila na mananagot ang cargo vessel kung mapatunaya na sinadyang binangga at pinabayaan nito ang mga Pilipinong mangingisda.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *