PCG, nangakong gagamitin nang wasto ang dagdag-pondo mula sa realignment CIF

Tiniyak ng Philippine Coast Guard (PCG) na magagamit sa wastong paraan ang idinagdag na pondo mula sa pag-realign ng House of Representatives na nasa 200 milyong piso na intelligence funds na para sana sa 2024 budget.

Sa ika-122 anibersyo ng PCG, kung saan pinarangalan ang ilang kawani ng ahensya, sinabi ni PCG-WPS spokesperson Commodore Jay Tarriela na walang silang sasayangin sa ibinigay na dagdag pondo.

Maalalang sinabi ng Kongreso na dadagdagan nila ang pondo ng mga ahensyang nakatuon sa pagprotekta ng ating teritoryo sa West Philippine Sea, kung saan kabilang ang PCG.

Ito’y matapos ihayag ng ahensya na nasa sampung milyon lamang ang kanilang confidential funds simula pa noong 2009.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *