PCG, nasagip ang dalawang mangingisdang nawawala sa WPS

Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG), ang dalawang mangingisdang nawawalasa West Philippine Sea simula pa noong Huwebes.

Kinumpirma ng ahensya na matagumpay na nasagip ng MRRV 4407 ang dalawa, at agad na binigyan ng pagkain, tubig, at medical assistance.

Ayon sa nakalap na impormasyon, nangingisda ang FB Lantis Andrei malapit sa First Thomas Shoal, West Philippine Sea, kasama ang isang maliit na bangka na biglang nawala bandang tanghali.

Nang matanggap ng Coast Guard District Palawan ang impormasyon noong October 26, agad nilang pinadala ang BRP Sindangan (MRRV 4407) upang tumulong sa paghahanap.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *