PCG Pasacao Sub Station, nakahanda na sa pagdagsa ng mga biyahero sa Pasacao Port ngayong Semana Santa

CAMARINES SUR- Nakahanda na ang Philippine Coast Guard (PCG) Pasacao Sub Station sa pagdagsa ng mga biyahero ngayong Semana Santa, kasama nila ang iba pang mga law enforcement agency.

Napag-alaman ng Brigada News FM Naga kay CG CPO Emerson Libreja, Substation Commander sa Pasacao na sa ngayon normal pa naman ang bilang ng mga biyahero bawat araw na umaabot sa 150 hanggang 160 indibidwal. Inaasahan naman nila na sa susunod na linggo pa simula Lunes ang pagdagsa ng mga pasahero na posibleng umabot sa 300 bawat araw.

Pagdating naman sa lagay ng panahon sa baybaying dagat, normal pa naman ang alon nito. Mas paiigtingin din nila ang seguridad lalo na sa pagchecheck ng mga bagahe upang maiwasan na may makapasok na mga iligal na bagay sa probinsya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *