PCG pinaghahandaan na ang pagdagsa ng mga turista ngayong Semana Santa

CAMARINES NORTE – Pinaghahandaan na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pagdagsa ng mga turista sa iba’t- ibang tourist destination sa Camarines Norte ngayong tag- init lalo na  sa Semana Santa.

Ito ay upang masiguro ang kaligtasan ng mga ito lalo na ng mga pupunta sa Calaguas Island.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay LTJG Jason Lavadia, Commander ng Camarines Norte Coast Guard Station, inihayag nito na  base sa kanilang obserbasyon ay lalong nadadagdagan ang mga turista na pumupunta sa isla nitong mga nagdaang araw.

Dahil dito pinaigting ng Coast Guard ang pre- departure inspection ng mga bangka bago ang mga ito umalis ng pantalan at binubusisi ang mga dokumento.

Binigyang diin ni Lavadia na ang mga bangkang pang turista lang ang pwedeng magdala ng mga turista sa Calaguas at sa iba pang tourist destinations.

Mahigpit din umanong ipinapatupad ng Coast Guard ang paglilimita sa mga sakay ng bangka upang makaiwas sa disgrasya.

Pinaigting din umano ngayon ng Coast Guard ang Baywatch patrol lalo na sa kahabaan ng Bagasbas beach na may mga delikadong bahagi ng dagat.

May paalala rin si Lavadia sa mga magulang lalo na kung may mga kasamang bata.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *