PCG vessel – nagtamo ng pinsala matapos makabanggaan ang China

Nagtamo ng ‘minor stuctural samage’ ang BRP Sindangan (MRRV-4407) ng Philippine Coast Guard matapos banggain ng China Coast Guard 21555.

Ayon kay PCG spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela, nangyari ang collision incident sa rotation and reprovisioning operation (RORE) ng Armed Forces of the Philippines sa West Philippine Sea.

Nag-escort umano ang BRP Sindangan, at ang BRP Cabra para sa RORE ng AFP.

Ang kaso, nagsagawa na naman umano ng peligrosong pagmamaneobra at panghaharang ang Chinese Coast Guard at ang Chinese Maritime Militia.

Makikita sa video ang paglalagay ng mga fenders ng PCG para ma-minimize ang damage ng ginawang pagbanga ng China.

Resupply mission ng Unaizah May – naging matagumpay

Kinumpirma ng Naval Forces West ng Armed Forces of the Philippines ang tangkang pagharang muli ng China Coast Guard sa resupply ship ng Pilipinas

Ito’y sa nagpapatuloy na Rotation and Re-supply mission ng AFP sa mga tropa ng sundalo sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal na bahagi ng pinagtatalunang West Philippine Sea

Sa “x” post ng Naval Forces West sa kanilang account na may pangalang BRP Sierra Madre, makikita ang ginawang pagharang ng barko ng China Coast Guard sa isa sa mga re-supply ship na Unaizah May

Subalit, dahil sa ginawa nitong reverse maneuver ay matagumpay na nalusutan ng Unaizah May ang barko ng China Coast Guard upang matiyak na mahahatid nito ang kinakailangang suplay sa mga Sundalo sa BRP Sierra Madre

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *