PCO – hinimok ang mga kabataan na ‘wag maging source ng fake news

Hinimok ng Presidential Communications Office ang mga kabataan na huwag maging kasangkapan at pagmulan ng mga pekeng balita o maling impormasyon.

Apela ito ni PCO Undersecretary for Digital Media Services Emerald Ridao kasunod ng ikinasang Community Campus Caravan sa Leyte Normal University sa Tacloban City ng PCO.

Ayon kay Ridao, isang napakalaking problema ngayon ang disinformation lalo na sa social media na bahagi na ng araw- araw na buhay ng mayorya.

Kaya binigyang diin ng opisyal ang kahalagahan ng pagbibigay sa mga mag-aaral ng mga kasangkapan at kaalaman upang agad matukoy ang fake news, lalo na’t sila ang kadalasang nabibiktima nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *