PCOO, pinaghahandaan na ang inagurasyon ni President-elect Bongbong Marcos

Handa na umano ang Presidential Communications Operations Office para sa nakatakdang inagurasyon ni President-elect Bongbong Marcos Jr. sa June 30.

Sa isang pahayag, sinabi ni Acting Deputy Presidential Spokesperson at Presidential Communications Undersecretary Michel Kristian Ablan na ‘all set’ na maging ang mga attached agency para sa inagurasyon ng bagong pangulo ng bansa.

Sa katunayan aniya ay in-activate na ni Sec. Martin Andanar ang mga teams para sa naturang inagurasyon.

Kabilang aniya rito ang Radio Television Malacañang o RTVM at ang Philippine Information Agency o PIA.

Sa ngayon aniya ay nakikipag-ugnayan na ang PCOO sa Office of the President’s Appointments.(CLAY MARQUEZ)
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *