PCSDS, ikinadismaya ang pagpasok ng isang grupo sa Marine Protected Area sa El Nido

Ikinadismaya ng Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS) ang tungkol sa pagpasok ng isang grupo sa Marine Protected Area sa El Nido at Taytay, Palawan nitong nakalipas na Linggo.

Ayon kay PCSDS Spokesperson Jovic Fabello, natuklasan nila at ng Lokal na Pamahalaan ng El Nido na hindi nagpaalam sa kahit na sino ang ilang miyembro ng Iloilo Watercraft Association bago ang aktibidad.

Ipinagtataka rin ng PCSDS kung paano basta-bastang nakapasok sa pinoprotektahang lugar ang mga sinakyang Jetski ng grupo na mula sa Iloilo na nagsagawa sa El Nido ng isang medical mission.

Sa inisyal na pagsusuri sa lugar ay wala naman umanong napinsala na corals kung saan sinasabing dumaan ang grupo.

Gayunman, ipinauubaya na umano ng PCSDS sa Lokal na Pamahalaan ang pag-iimbestiga at aksyon na gagawin matapos ang insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *