PCSO: binabalanse lang namin ang sitwasyon para protektahan ang identity ng bettor

Binigyang-diin ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na objective nito na hindi maipakilala sa publiko ang taong nanalo ng lotto.

Ayon kay PCSO General Manager Mel Robles, pinoprotektahan nila ang winner lalo pa’t malaking halaga ang napanalunan nito.

Paliwanag ni Robles, kailangan nilang balansehin ang sitwasyon kung saan dapat may maipakita silang proof o patunay sa mga tao na may nanalo na, pero dapat ding ingatan ang pagkakakilanlan ng bettor.

Samantala nilinaw din ng opisyal na tanging palda lang ang kanilang binago sa picture na kumakalat sa social media.

Pinipicturan umano nila ang lotto winner nang walang maskara at kinukuha ang pangalan nito ngunit dahil sa privacy issue ay hindi nila ito isinasapubliko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *