PCSO lotto outlet sa bayan ng Narra, Palawan pinasok ng holdaper

Pinasok ng holdaper ang isang PCSO lotto outlet sa bayan ng Narra , Palawan.

Ayon sa kumpirmasyon ni Francis Navilla ng Bantay Narra , bandang alas 2:00 ng hapon kanina naganap ang panghoholdap sa Osmeña St. Bgy. Poblacion kung saan isang babaeng nakaduty sa lotto outlet ang humingi ng saklulo nang maganap ang insidente.

“Paglabas ko ng office ang dalagita sumisigaw humihingi ng tulong.” pahayag ni Navilla ng Bantay NarraKaugnay nito, isinalaysay din ng cashier na si Arie Abaga na nakaduty sa lotto outlet ang pagpasok ng holdaper.

Tinutukan pa umano sya ng baril para makuha sa kanya ang pera na nagkakahalaga na humigit kumulang P5,000.Nakasuot umano ang holdaper na lalaki ng helmet , kulay itim na face mask, naka short pants at jacket na blue.Nagkataon din na brownout nang pasukin ng holdaper ang lotto outlet kaya hindi rin ito nakuhanan sa CCTV.

Samantala , patuloy na iniimbestigan ang nangyaring insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *