PCSO – pinagpaliwanag hinggil sa umano’y mga kuwestyonableng pagkapanalo sa lotto

Kinwestyon ni Senador Raffy Tulfo sa kasalukuyang pagdinig ng Committee on Games and Amusement ang ginawang augmentation o pagdadag ng malaking halaga ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa mga nanalong lotto bettors.

Ito ay matapos makarating kay Tulfo na dinagdagan ng PCSO ng P500 milyon ang napanalunan ng ilang bettors nitong nakaraang Disyembre.

Pagpapaliwanag ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Mel Robles, isa lang nila itong paraan upang makahimok ng mas marami pang bettors.

Ayon pa sa kanya, napag-usapan lang din nila ito ng mga kasama niya sa board bilang parte ng kanilang selebrasyon sa anniversary ng PCSO.

Dagdag pa niya, naibalik naman agad ang kanilang na-invest dito at may mga surplus pa sila.

Kaugnay nito, idiniin naman ni Tulfo na kung may surplus pala mula rito ay mas maganda kung gagamitin nalang ang mga ito sa mga ‘very important projects’ tulad ng pagbabalik sa charity at pagtulong sa mga ospital.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *