PD ng SPPO, ginawaran ng pinakamataas na parangal sa LAKAN

Nakatanggap ng parangal na LAKAN award sa 44th Alumni Homecoming Celebration ng Phil Natl Police Academy ang police director ng Sorsogon Police Prov’l Office na si PCol Dionesio Laceda.

Ang parangal ay ipinagkaloob ng Phil Natl Police Academy Alumni Assocaition Inc (PNPAAAI) sa mga alumni nito para sa kanilang kahanga-hangang kontribusyon sa kani-kanilang mga kawanihan.

Si Laceda ay kinilala sa nasabing prestihiyosong award para sa kanyang huwarang pamumuno at natatanging dedikasyon na ipinakita sa buong CY 2023 na nagbigay din ng karangalan sa Sorsogon PPO at inspirasyon sa kanyang kapwa opisyal at police personnel.

Ang pagkilala ay isang patunay ng pagsususmikap at pangako ng nasabing opisyal sa serbisyo publiko, na ginagawang ligtas, mapayapa at progresibong probinsya ang Sorsogon.

Isa si Laceda sa 27 awardees ng Lakan Special Commendation ng Phil National Police Academy (PNPA) na ginanap sa PNPA Camp Gen Mariano Castaήeda sa Silang Cavite.

Ang LAKAN AWARD ay ang pinakamataas na parangal na ipinagkaloob sa bawat karapat-dapat na PNPA Alumni.

Si Laceda ay kabilang sa Magilas Class 2000 ng PNPA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *