PDL sa BJMP, muli sinilbihan ng warrant of arrest dahil sa kasong robbery sa Legazpi City

LEGAZPI CITY – Muling sinilbihan ng panibagong warrant of arrest ang isang Person Deprived of Liberty (PDL) sa BJMP facility sa Brgy. Bogtong Legazpi Citpy dahil sa kaso ng pagnanakaw o robbery.

Kinilala ang akusado na si Freddie Ric Tan y Arcos (PDL), 40 anyos, construction worker at residente ng Purok 2, Imperial Court Subdivision ng nasabing lungsod.

Ayon sa report, aabot sa PHP18,000 ang inirekomendang piyansa ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Sa ngayon ang akusado ay mananatili pa rin sa nasabing pasilidad dahil sa mga kinakaharap nitong kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *