PDL sa Irosin district jail, nabigyan ng serbisyo ng PSA-Sorsogon

Sa layuning mabigyan ng oportunidad ang mga Persons Deprived of Liberty o PDL na maka-avail ng mga programa ng pamahalaan at maipadama sa mga ito ang pagpapahalaga sa kanila ng kumunidad, dinala ng Philippine Statistics Authority (PSA) Sorsogon ang kanilang mga serbisyo sa Irosin District Jail.

Kinabibilangan ito ng PSA Application, Philippine Identification System (PhilSys) Registration, at pag-assist sa mga mayroong katanungan tungkol sa marriage contract, birth certificate at iba pang mga dokumento.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Chief Statistical Specialist Elvira Apogñol katuwang ang PhilSys Irosin at Local Civil Registrar.

Pinasalamatan naman ni Irosin District Jail head SJ04 Jaime Balmas ang inisyatiba ng PSA upang madala ang kanilang mga programa at serbisyo sa mga PDLs.

                                                                                                                                                

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *