PDL sa Sorsogon City District Jail nananatiling protektado mula sa hawaan ng Covid 19

SORSOGON CITY – Kinumpirma ng Sorsogon City District Jail na nananatiling protektado mula sa hawaan ng COVID-19 ang mga Person Deprived of Liberty (PDL) sa lungsod ng Sorsogon.

Sa pahayag sa Brigada News FM ni Sorsogon City District Jail Jail Inspector Atty. Rodolfo Verzosa Jr., sinabi nito na patuloy ang kanilang implementasyon ng mahigpit na Covid-19 restrictions sa kanilang pasilidad sa kabila ng pabago-bagong level ng risk of transmission sa lungsod.

Ayon kay Verzosa, sa pamamagitan nito ay kanilang napapanatili ang kaligtasan ng mga PDLs.

Matatandaan na nauna nang isinailalim sa vaccination ang 85 PDL sa naturang piitan na kabilang sa A2 priorities o Senior Citizens at mga indibidwal na mayroong co-morbidities.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *