PDP-Laban, hindi na ikinagulat ang pagbitiw ni Congressman Dong Gonzales sa partido

Hindi na bago para kay PDP-Laban President at Palawan Representative Jose Alvarez ang paglipat ng kanilang mga miyembro sa ibang partido.

Sa panayam kay Alvarez sa Kamara, sinabi nitong hindi na siya nabigla sa pagbibitiw ni Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr. sa PDP-Laban bilang miyembro at opisyal.

Batid na umano niya na ang ginawa ni Gonzales ay pagpapakita ng kortesiya sa liderato ng kanilang partido.

Tulad ng mga isda na naghahanap ng maraming resources, natural lang din umano sa mga kongresista na lumipat sa mga partido na may malawak na kapangyarihan at marami ang numero.

Ibinida rin ni Alvarez na sa kabila ng resignation ni Gonzales ay marami pa silang natitirang miyembro ng PDP-Laban sa Kongreso bagama’t hindi na kinumpirma kung ilan.

Paglilinaw pa nito, kaisa ang PDP-Laban sa kolektibong paninindigan ng Kamara na protektahan ang institusyon at suportahan si Speaker Martin Romualdez.

Wala naman umanong masama sa pagsuporta nila sa House Resolution Number 1414 dahil para naman ito sa kapakanan ng institusyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *