PDP-Laban, inaprubahan ang reso na nagkukumbinsi kay Duterte para sa 2022 VP race

Inaprubahan ng ruling Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) ang resolusyon na naghihimok kay Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbo bilang pangalawang pangulo sa 2022 national elections.

Ang resolusyon ay inaprubahan sa gitna ng ginanap na national council meeting ng partido sa Cebu City.

Ayon kay PDP-Laban VP for external affairs Raul Lambino, na nagsulong para sa adoption ng resolusyon, na nakatanggap ang national council ng ilang petisyon mula sa iba’t-ibang local government na nag-uudyok kay Duterte sa tumakbo sa vice presidential post sa susunod na national elections.

Maliban dito, nakasaad rin sa resolusyon na pinapapili si Duterte ng kanyang magiging gustong running mate para naman sa pagkapangulo. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *