‘Peace covenant’ nilagdaan sa Marawi at Samar bilang patunay sa safe election

Kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Coronel Ramon Zagala na pinirmahan ang isang ‘peace covenant’ sa Marawi at Samar bilang patunay sa ligtas na halalan.

Ayon kay Zagala, katuwang sila ng Commission on Elections (Comelec) sa Task Force Kontra-bigay at upang masiguro ang safe at credible election kung saan walang harassment at matatakot na bumoto.

Katuwang ng AFP ang Philippine National Police (PNP) sa pagde-deploy ng mga check points sa ibat-ibang lugar at titingin sa mga illegal activities na pwedeng mangyari sa panahon ng eleksyon.

Samantala, pinaghahandaan din nila ang papalapit na Semana Santa at patuloy ang kanilang pagmomonitor para sa magiging kaayusan nito.

Hinihikayat ang publiko na i-report ang anumang impormasyon lalo na kung ito ay para sa seguridad ng bansa. (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *