Peace talks kasama ang NPA sa ilalim ng anuman administrasyon, imposibleng matuloy – PRRD

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang patuloy na pag-atake at pagpatay ng mga rebeldeng New People’s Army sa mga sundalo at iba pang alagad ng batas ang dahilan kung bakit hinding-hindi matutuloy ang peace talks sa kanyang administrasyon o sa termino ng kahit sinong presidente.

Sinabi ng Pangulo na walang idealohiya at prinsipyo ang mga rebelde sa pakikipaglaban dahil ang gusto lamang ng mga ito ay pumatay.

Nagbabala naman ang Pangulo na pwede nito ibalik ng sampung beses ang mga ginagawa ng mga rebelde sa mga inosenteng tao.

Sinabi ito ng Pangulo matapos mapaulat na ang rebeldeng grupo ang nasa likod ng isa nanaman pag-atake kung saan ay napatay ang isang militamen ng gobyerno, habang isa ang nasugatan.

Naganap umano ang pananambang ng NPA sa mga sundalo at militiamen sa gitna ng pagbabantay ng mga ito sa mga pulis na namamahagi ng ayuda.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *