Pelikulang ‘Rewind’, hinirang highest grossing Filipino film of all time

Patuloy na binabasag ng “Rewind” ang mga record sa takilya matapos hiranging highest grossing Filipino film of all time.

Sa ngayon, may kabuuang worldwide gross na P889 million ang pelikulang pinagbibidahan nila Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Nalampasan nito ang “Hello, Love, Goodbye” nila Kathryn Bernardo at Alden Richards, na kumita ng P880 milyon noong 2019.

Sa thanksgiving party, sinabi ng mag-asawa na taos puso silang nagpapasalamat sa pagsuporta sa kanilang pelikula, pati na rin sa muling pagtangkilik sa pelikulang Pilipino.

Photo from Star Cinema

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *