Pellet gun ng mga bata kinukumpiska ng Brgy. Kalaklan

Kinukumpiska ng pamunuan ng Brgy. Kalaklan, Olongapo ang mga pellet gun sa mga bata.

Ayon sa baranggay itinututok kasi umano sa kapwa rin bata ang mga ito kaya para maiwasang makadisgrasya ay kanilang kinukumpiska.

Paliwanag ni Kap. Willie Umali, maaari naman itong bawiin ng mga magulang sa baranggay subalit kailangan niya muna umanong makausap ang mga ito.

Panawagan rin ng Punong Barangay sa mga magulang na iwasang bumili ng mga ganitong laruan kung bata ang pagbibigyan.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: Brgy. Kalaklan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *