PENRO Camarines Norte nakiisa sa pagdiriwang ng International Day for Biological Diversity

CAMARINES NORTE- Nakiisa ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) PENRO Camarines Norte sa pagdiriwang ng International Day for Biological Diversity (IDBD) kamakailan.

Kaugnay nito naglunsad ng ilang aktibidad ang opisina sa pangunguna ni OIC, PENR Officer Marlon C. Francia sa pamamagitan ng Protected Area Management and Biodiversity Conservation Unit (PAMBCU).

Kabilang sa mga ginawang aktibidad ay ang open forum patungkol sa indigenous cultural perspectives and management of biodiversity sa Brgy. OsmeƱa, Jose Panganiban, Camarines Norte.

Nilahukan ito ng mga opisyal ng Barangay at mga katutubong manide sa pamamagitan ng kanilang organisasyon na tinawag na Boses at Lapian ng Wastong Adhikain ng Katutubo (BULWAK).

Nagsagawa rin ang opisina ng bamboo planting activity at iba pa.

Ang International Day for Biological Diversity na ginaganap tuwing May 22 kada taon ay naglalayong lumikha ng mas malalim na kaalaman at pagka unawa sa mga biodiversity issues.

(photo courtesy: DENR)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *