People’s Initiative campaign documents hindi pa nakakarating sa Naga City-COMELEC

NAGA CITY –Hindi pa nakakarating sa Commission on Elections Naga City ang anumang dokumento para sa peoples initiative sa sinasabing Charter change na umarangkada na sa ibang ilang bayan sa Camarines Sur.

Ito ang inihayag sa Brigada News FM Naga ni COMELEC Officer Atty. Maico Julia Jr.

Sa panayam kay Atty. Julia, sinabing ang opisina nila ang magbe-beripika sa mga signatures o pirma ng nasa dokumento, sa pamamagitan naman ng files ng mga ito sa kanilang opisina.

Paliwanag niya, kung may dumating man, dadaan muna ito sa tamang proseso  ng COMELEC tulad ng pagpadala nila ng dokumento sa central office na  siyang magba-validate sa naturang papel bago ibaba muli sa kanila para sa beripikasyon ng mga pirma.

Sinasabing binibigyan diumano ng pera ang sinumang pipirma sa dokumento na hindi naman ito kinumpirma ng mga sinasasabing pumirma na.   

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *