People’s initiative para sa Cha-Cha, dapat umanong maipaliwanang ng maayos sa mga residente bago pumirma – Legazpi mayor

LEGAZPI CITY – Nakatanggap na ng reklamo si Legazpi City Mayor Geraldine Rosal mula sa ilang residente sa lungsod tungkol sa umano’y pagpirma sa people’s initiative form para sa Charter Change o Cha-cha.

Ayon sa alkalde, dapat maipaliwanag nang maayos sa mga residente ang kahulugan ng pagpapapirma nito.

Iilan kasi sa mga Legazpeño ang hindi pa alam at hindi pa nakakaunawa sa mangyayari kaugnay ng Cha-Cha.

Binigyang-diin pa nito, hindi na rin dapat namimigay ng pera sa mga residente na lalagda sa form dahil ang kailangan lamang gawin ay ang maintindihan ng bawat tao ang kanilang pinipirmahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *