People’s Initiative para sa Cha-Cha – di raw magbubunga – Makabayan bloc

Paiimbestigahan na ng Makabayan bloc ang mga signature campaign para sa People’s Initiative para sa Charter Change.

Sa panayam ng Brigada NewsFM Manila kay ACT-Teachers party-list Rep. France Castro, sinabi niyang binabalangkas na nila ang isang resolusyon para busisiin ito sa Kamara.

Kabilang sa mga imbestigahan ay ag mga napabalitang paggamit ng mga ayuda programs ng Gobyerno at iba pang proyekto gaya ng TUPAD para mangalap ng mga pirma.

Tututukan din umano sa imbestigasyon ang nagpondo sa TV commercial ng Pirma na sabi ni Castro, taliwas sa ‘information dissemination’ na kine-claim ng grupo, ay malinaw pa raw itong misinformation.

Sa huli, idiniin ni Castro na kumpiyansa silang ‘di uusad ang Cha-cha.

Aniya, malinaw naman na raw na hindi ito priority ng mga Pilipino, at hindi ito solusyon sa mga isyu sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *