Persons under monitoring (PUMs) sa bayan ng Camalig, Albay, regular nang makakatanggap ng food packs mula sa LGU

LEGAZPI CITY – Regular nang makakatanggap ng mga food packs ang mga persons under monitoring (PUMs) at mga close contacts na may aktibong kaso ng COVID-19 sa bayan ng Camalig, Albay.

Ang nasabing food packs ay mula sa lokal na pamahalaan ng bayan, katuwang ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) bilang suporta sa mga ito.

Layunin ng aksiyong ito na matulungan ang mga pangunahig mga pangangailangan ng close contacts sa buong peryodo ng kanilang isolation.

Samantala, kinakailangan pa ring manatiling isolated ang mga close contacts sa loob ng 14 na araw upang maiwasan ang paglaganap ng naturang sakit.

Upang masiguro naman ang mahigpit na pagpapatupad ng prevention at control protocols, regular nang mino-monitor ng Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) na nakatalaga sa dalawang apektadong barangay ang mga close contacts, kung saan susuriin din ang mga ito ng Municipal Health Emergency Response Team (MHERT).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *