PET, ibinasura ang hiling ni Marcos na mawalan ng bisa ang botohan sa Lanao del Sur, Maguindanao, at Basilan

Inihayag ng Presidential Electoral Tribunal (PET) na imposible nang malampasan pa ni dating senador Ferdinand “BongBong” Marcos Jr. ang bilang ng mga boto na natanggap ni Vice President Leni Robredo noong 2016 elections kahit magpatuloy pa ang poll protest sa third cause of action.

Nitong Lunes lamang naibahagi sa media ang kopya ng nasabing desisyon na may petsang February 16.

Sinabi sa resolusyon na hindi na pinagbigyan ng PET ang third cause of action ni Marcos kaugnay sa annulment ng 2016 election results para sa vice president sa Lanao del Sur, Basilan, at Maguindanao.

Inihayag ng PET na bigo si Marcos na makagawa ng substantial recovery ng mga boto sa mga pilot provinces na siya mismo ang pumili.

Iginiit ng PET na hindi mababaliktad ang panalo ni Robredo kahit pa mapagbigyan ang annulment.

Mababatid na unanimous ang naging boto ng mga mahistrado para sa pagbasura ng election protest ni Marcos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *