Pfizer/BioNTech, kumukuha ng approval sa EU para mabakunahan ang mga 12-15 anyos

Ibinunyag ng Pfizer/BioNTech na humihingi na ito ng permiso mula sa European regulators para maotorisa ang kanilang COVID-19 vaccine para sa mga 12-15 anyos, na krusyal para makamit ang herd immunity.

May ganitong request na rin ang mga kompanya sa Estados Unidos na una nilang hiniling ngayong buwan.

Sa kasalukuyan, ang bakuna ng Pfizer/BioNTech ay aprubado lamang para sa mga tao na mga mga edad na 16 o higit pa.

Ayon sa pahayag ng dalawang kompanya, ay nakapagsumite na sila ng request sa Amsterdam-based European Medicines Agency (EMA) para mapalawak ang paggamit sa kanilang bakuna kung saan ay mapapabiling ang mga 12-15 anyos.

Ginawa ng dalawang kompanya ang naturang hakbang matapos makita na 100% effective ang bakuna para maiwasan ng 12-15 anyos ang sakit na dulot ng virus.

Leave a Reply

Your email address will not be published.