PGA, dapat umanong maglatag ng polisiya para sa renewable energy

LEGAZPI CITY – Hindi na umano bago sa lalawigan ng Albay ang renewable energy ayon sa ALECO Member Consumer Owner Alliance Media Bureau.

Ito ang pahayag ni Spokesperson Noel Cantal sa Brigada News FM Legazpi kaugnay ng isinusulong na paglagay ng renewable energy hub ng Pamahalaang Panlalawigan.

Sa panayam kay Cantal, sinabi nito na dapat maglatag ang pamahalaan ng mga polisiya para rito.

Polisya, na tumatanggap at naghihikayat ng pagbukas ng mga investments sa renewable energy.

Isa ito aniya sa mga binabantayan nila ngayon, sa katunayan, mismong ang grupong Philippine Movement for Climate Justice na kasabay ng pamahalaan sa pagpirma ng MOA ay wala ring nakikitang polisiya sa pamamagitan ng pagpapatupad ng Renewable Energy Code o Renewable Energy Ordinance.

Maliban dito, sinabi rin ni Cantal, dapat magkaroon ng polisiya na 100% ay bigyan nila ng supply ang ALECO yaman din lamang na napoproduce mismo ito sa lalawigan.

Dagdag pa niya, ang Albay ang may pinakamalaking source ng kuryente dahil sa dalawang geothermal powers subalit ito pa ang halos may hindi magandang karanasan pagdating sa serbisyo sa kuryente at posible ulit itong mangyari kung hindi masusupplyan ng renewable hub ang ALECO.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *