PGen Rommel Francisco Marbil, itinalaga ni PBBM bilang ika-30th PNP Chief

Sorpresang inanunsyo kaninang umaga sa kasagsagan ng Change of Command Ceremony ang pagkakatalaga ni Pangulong Bongbong Marcos kay PGen. Rommel Francisco Marbil, bilang ika-30 hepe ng Pambansang Pulisya.

Si Marbil ay mula sa PMA Class of 1991 at mistah outgoing PNP Chief Benjamin Acorda.

Bago italagang PNP Chief, naging OIC ng PNP- Directorate for Comptrollership si Marbil at former Director ng PNP Regional Office 8.

Epektibo ang pagiging PNP Chief ni Marbil simula ngayong araw, April 1 hanggang sa pag retiro nito sa Pebrero 2025.

Samantala sa talumpati ni Pangulong Bongbong Marcos, pinapurihan nito ang mga naging accomplishment ni Acorda sa panahon ng panunungkulan nito.

Habang tiniyak naman ng Presidente sa bagong PNP Chief ang kanyang buong suporta at tiwala sa magiging pamamahala nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *