Muling nanawagan ang Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela sa publiko na patuloy na mahigpit na sundin ang health protocols kasunod ng anunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte mananatili sa GCQ status ang probinsya.
Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Atty. Elizabeth Binag, ang tagapag-salita ng Provincial Government of Isabela, aniya mananatili ang GCQ status sa probinsya dahil mayroon pa ring 10 na bayan at syudad ang binabantayan dahil sa mataas na ADAR.
Bagaman ayon kay Atty. Binag malaking tulong ang pagsasailalim sa lalawigan sa GCQ upang maipababa ang mga naitatalang kaso ng COVID-19.
Sa katunayan aniya, noong June 27 ay nasa 13 ang naitalang bagong kaso at isa ang nasawi.
Sinabi pa ni Atty. Binag na bumaba rin ang utilization rate sa pitong provincially maintained hospital kung saan mula sa 209 bed capacity ay mayroon lamang 46.5% ang nagamit para sa mga COVID-19 patients.
Nagpapatuloy din aniya ang operasyon ng One COVID-19 command center para matulungan ang mga pasyente na maidala ang mga ito sa referral hospital lalo na sa mga nakararanas ng sintomas ng naturang sakit.
Mukabat sa kapin P5.4 Million kantidad sa gituohang shabu ang nakumpiska sa otoridad atol sa…
Gitunolan sa City Social Welfare and Development Office (CSWDO) kagahapong adlawa, Huwebes og kinatibuk-ang Php…
Nasungkit nina Kathryn Bernardo at Alden Richards ang bagong titulo bilang Box Office King and…
Arestado ang empleyado sa gobyerno kauban ang laing duha ka indibidwal sa gilusad nga drug…
Sinimulan na ng Senado ang proseso sa citizenship ni Bennie Boatwright para mapasama sa Gilas…
CAMARINES NORTE - Inirekomenda ng Philippine Coast Guard sa Lokal na Pamahalaan na maglagay ng…