Local News

FDA-LTO application ng ISU CVCDC, aprobado na

Aprobado na ng Food and Drug Administration ang aplikasyon ng Isabela State University – Cagayan Valley Cacao Development Center sa Echague, Isabela upang magkaroon ng Licensed to Operate.

Ito ang kinumpirma ni ISU-System President Dr. Ricmar Aquino sa kaniyang ibinahaging pahayag sa ika-123 na anibersaryo ng Department of Agriculture Region 2.

Aniya, naibigay na ng FDA ang licensed to operate ng cacao center ng unibersidad katuwang ang DA Region 2.

Sa ngayon aniya ay hinihintay na lamang na mabigyan ng certificate of product compliance mula FDA ang kanilang mga produkto.

Pinasalamatan naman ni Dr. Aquino ang ibinibigay na suporta ng DA Region 2 kung saan inaasahang makakatanggap ng partnership mula Belgium.

Kaugnay dito, nakita umano ng Belgium ang cacao center ng ISU na sinusuportahan ng DA RO2 at bagaman walang taniman ng cacao ang Belgium ay makatutulong umano ito sa product development.

Sa katunayan aniya, inaasahan rin ng ISU-CVCDC ang partnership mula sa bansang Hawaii at Europe.

Layunin umano nito na maging supplier na cacao products sa nabanggit na mga bansa upang matulungan ang mga cacao farmers sa rehiyon.

BNFM Cauayan

Recent Posts

Marian Rivera, nag-ala Marimar sa ‘Asoka’ TikTok trend

Pinaalala ng aktres na si Marian Rivera na siya pa rin ang top Pinoy content…

1 hour ago

EJ Obiena, layuning makapag-uwi ng medalya sa Olympics para sa Pilipinas

Isa lang ang nasa isip ng Filipino Olympian at pole vaulter na si EJ Obiena…

1 hour ago

Iba, Zambales – umabot sa 53 degrees celsius ang heat index

Pumalo sa 53 degrees celsius ang heat index sa Iba, Zambales, kahapon. Ito ay nasa…

2 hours ago

NCRPO, nanawagan sa PISTON at MANIBELA na gawing mapayapa ang tigil-pasada

Magde-deploy ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng halos 8K nilang mga tauhan mamayang…

2 hours ago

Motortaxi rider – arestado matapos magbenta ng shabu sa kanyang mga pasahero

Arestado ang isang motorcycle taxi rider matapos magbenta ng hinihinalang shabu sa kanyang mga pasahero…

2 hours ago

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago