Pagpapaluwag ng quarantine status sa NCR, di dapat madaliin- health professional

‘Hinay-hinay muna’

Ito ang panawagan ng isang health professional tungkol sa pagluluwag sa quarantine classification sa National Capital Region.

Sa isang panayam, sinabi ni Dr. Maricar Limpin, presidente ng Philippine College of Physicians na ramdam pa rin ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa rehiyon at sana ay panatilihin lamang muna ito sa ngayon. 

Aniya, nakalabas naman na ang mga tao kaya di dapat madaliin ang pagluluwag sa quarantine classification. 

Dagdag ni Limpin, ang dapat gawin ng pamahalaan ay panatilihin ang kasalukuyang quarantine classification ngayong napapansin na naman nilang dumarami ang COVID-19 cases sa mga ospital. 

Sa Philippine Heart Center kung saan affiliate si Limpin, 100 percent na umano ang kanilang occupancy rate sa ICU.

Umaasa si Limpin na ikokonsidera ng Inter-Agency Task Force ang kanyang panawagan dahil maging sa Mindanao at Visayas at tumataas na ang cases. 

Bukod dito, dapat din umanong higpitan pa ang contact tracing at magpatupad ng kaunting restrictions sa pagbiyahe sa loob ng bansa na syang nagiging dahilan ng pagtaas ng cases sa mga probinsya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *