PH at China, tinalakay na ang kompensasyon para sa Gem-Vir 1 fishermen

Tinalakay na ng mga kinatawan mula sa Pilipinas at China ang tungkol sa kompensasyon kaugnay sa paglubog ng Filipino fishing boat sa West Philippine Sea,  dalawang taon na ang nakakaraan.

Ayon kay Justice Undersecretary Adrian Sugay, iginiit ng Pilipinas ang claim ng may-ari at crew members ng Gem-Vir 1 para sa kompensasyon sa danyos na natamo ng fishing vessel, pagkawala ng income, at mental anguish.

Una nito, na noong nakaraang linggo na magreklamo ang asawa ng may-ari ng Philippine fishing boat dahil sa delayed na settlement para sa mga mangingisda.

Matatandaan na nabangga ang Filipino fishing boat ng Chinese trawler habang naglalayag sa Recto Bank noong June 9, 2019, kung saan agad na umalis ang Chinese vessel sa lugar matapos ang insidente, habang naiwang stranded ang 22 crew members ng Gem-Vir 1 sa loob ng ilang oras hanggang sa dumaan ang Vietnamese vessel na nag-rescue sa kanila.

Sa naturang pulong, binigyang diin ng Pilipinas na nilabag ng Chinese crew members ang international conventions and customary international maritime law dahil sa kabiguang magbigay ng tulong sa mga taong malinaw na distress sa gitna ng karagatan. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *