PH at Korean company, nagkasundo na palalakasin ang produksyon ng pagkain sa bansa

Pinatitiyak ni Pangulong Bongbong Marcos na maipapatupad ang P45.01-B na Philippine Rural Development Project Scale-Up, ‘o ‘yung PRDP.

Ito ay makaraang makausap ni Marcos ang mga kinatawan mula sa World Bank (WB) para sa naturang proyekto.

Inaasahang makabe-benepisyo rito ang nasa 450,000 na mga magsasaka’t mangingisda, at makagagawa rin ng nasa 42,000 na mga trabaho.

Bago ito, nakipag-tie-up gobyerno ng Pilipinas, kasama ang Department of Agriculture, Korea Agriculture Machinery Industry Cooperative o KAMICO.

Sa ilalim ng nilagdaang memorandum of understanding – palalakasin pa ang cooperative partnership ng dalawang tanggapan para sa pagpapabuti ng mga makinarya para sa agricultural sector; pati na rin ang pagtitiyak sa food security.

Isusulong din dito ang pagiging isang ganap na ‘food exporting country’ ng bansa.

Nakatakdang mag-invest ang KAMICO ng $30M, bilang initial funds na gagamitin sa implementasyon ng phase 1 ng kanilang proyekto, at magti-triple pa sa mga susunod na phases. //LGD, edited MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *