PH at US, nagpupulong matapos ang panibagong pangha-harras ng China sa WPS

Nakikipag ugnayan na ang Estados Unidos sa Pilipinas hinggil sa mga panibagong proactive Actions ng China sa isinagawang rotation at resupply mission sa Ayungin Shoal.

Kinumpirma ito ni US State Department spokesperson Matthew Miller kahapon matapos nilang matanggap ang impormasyon.

Naninindigan naman ang Amerika na pumapanig ito sa Pilipinas at kinokondena nila ang mga mapanganib at iligal na mga aksyon ng China.

Nabatid na sugatan ang apat na crew ng resupply vessel ng bansa matapos bombahin ng tubig ng dalawang China Coast Guard vessels na patungo sanang BRP Sierra Madre sa Ayungin shoal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *