‘PH economy, mabubuksan muli ng buo sa oras na mabakunahan ang half ng population’

Mabubuksan na muli ng buo ang ekonomiya ng Pilipinas sa oras na mabakunahan na laban sa COVID-19 ang kalahati ng 110 milyong populasyon sa Pilipinas. 

Ito ang sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. kasabay ng pagbanggit nito sa experiences sa Estados Unidos, United Kingdom, at Israel kung saan nabawasan na ang COVID-19 cases matapos mabakunhan ang 30 percent ng kanilang respective populations. 

Ayon kay Galvez, pag nabakunahan na ang 30 percent ng populasyon sa Pilipinas ay pwede nang paluwagin ang ilang restrictions. 

At kapag kalahati na ng populasyon ang naturukan na ng COVID-19 vaccines, pwede nang buksan fully ang ekonomiya.

Optimistiko naman si Galvez na mababakunahan ang 70 percent ng populasyon sa katapusan ng 2021. 

Mababatid na sa ngayon, 3.9 milyon na ang naturukan ng unang dose ng vaccine habang 1.2 milyon ang fully vaccinated na o nakatanggap ng dalawang doses ng bakuna.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *