Ph-EU FTA, inaasahang maisasapinal sa 2027

Positibo si Pangulong Bongbong Marcos na maisasapinal na sa taong 2027 ang Free Tarde Agreement o FTA sa pagitan ng Pilipinas at European Union.

Sa talumpati ng Pangulo na binasa ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa European-Philippines Business Dialogue and European Investors’ night sa Makati City, ipinahayag ng Pangulo ang kanyang paniniwala sa potensyal ng FTA na magdala ng mga bagong oportunidad para sa parehong bansa.

Positibo rin ang pamahalaan na magbubukas ang FTA ng mas malawak na access sa merkado para sa mga kalakal at serbisyo, habang pinapadali rin nito ang pagdaloy ng mga pamumuhunan, teknolohiya, at expertise na makakatulong sa pagpapalago ng ekonomiya.

Dagdag pa ng Pangulo, ang FTA ay hindi lamang isang kasunduan, kundi isang simbolo rin ng magkasamang pangarap para sa kasaganaan at kooperasyon ng Pilipinas at Europa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *