PH, handang i-deploy ang OFWs sa Oman sa oras na i-lift na ang travel restrictions

Handa ang Pilipinas na i-deploy ang ating mga overseas Filipino wokrers (OFWs) sa oras na paluwagin na ng gobyerno ng Oman ang pagpasok ng Filipino travelers.

Sa isang panayam, kinumpirma ni Labor Secretary Silvestre Bello III  na lumagda sila ni Omani Ambassador to the Philippines Munther Mahfoodh Salem ng kasunduan kung saan papayagan ang mga OFWs na i-deploy sa Oman sa oras na i-lift na ng middle eastern country ang kanilang travel restrictions laban sa mga byaherong Pinoy.

Aniya, inatasan nya na si Philippine Overseas Employment Administration (POEA) administrator Bernard Olalia na simulan na ang pagproseso sa employment papers ng OFWs para sa kanilang mabilis na deployment sa oras na ma-lift na ang restrictions.

Sinabi naman ni Olalia na wala pang timeline kaugnay ng pag-lift ng Oman ng travel restrictions pero agad na gagawin ng Pilipinas ang commitment nito sa agreement.

Nasa 1,000 OFWs umano ang makakabenepisyo sa nasabing deal.

Mababatid na ipinag-utos ni Bello noongnakaraang linggo ang temporary suspension ng OFW deployment sa Oman bunsod ng rekomendasyon ng Department of Foreign Affairs (DFA)  matapos i-ban ng Oman ang mga biyahero mula sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *