PH, kasama sa mga mabibigyan ng 7 milyong doses ng COVID-19 vaccine mula US

Inilatag ni US President Joe Biden ang kanyang plano para sa 80 milyong coronavirus vaccine doses na ipapamahagi ng Estados Unidos bago ang Hulyo.

Ayon sa White House, para sa mga doses na ipapamahagi sa pamamagitan ng COVAX, ipa-prayoridad ng Washington ang mga bansa sa Latin America at Caribbean, South at Southeast Asia, at Africa para makatulong na mapigilan ang pagsipa ng COVID-19 cases. 

Sa unang tranche ng 25 milyong doses, 19 milyon ang ibabahagi sa pamamagitan ng COVAX Facility. 

Pitong milyon doses sa 19 milyon ang nakalaan para sa Asya kung saan kabilang ang Pilipinas. 

Maliban sa Pilipinas, kasama rin sa mabibigyan ang India, Nepal, Bangladesh, Pakistan, Sri Lanka, Afghanistan, the Maldives, Malaysia, Vietnam, Indonesia, Thailand, Laos, Papua New Guinea, Taiwan, at Pacific Islands.

6-milyong doses naman ang ibibigay ng COVAX sa South at Central America habang 5-milyong doses naman sa Africa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *