PH, nagtala ng 5,479 new COVID-19 cases; Total tally, 1,548,755 na

Naitala ng Pilipinas ang 5,479 na mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, dahilan para sumipa ang kabuoang infections sa 1,548,755.

Ayon sa Department of Health (DOH), mula sa kabuoang infections, 54,262 o 3.5 percent ang ‘active cases,’ kung saan 94.6 percent ang mild o walang sintomas.

Kaugnay nito, 5,573 ang mga naitalang recoveries dahilan para sumipa ang kabuoang bilang ng mga gumaling mula sa respiratory disease sa 1,467,269 o 94.7 percent mula sa lahat ng mga kaso.

Samantala, nasa 27,224 naman ang kabuoang gumaling mula sa naturang sakit o 1.76 percent ng kabuoang kaso, matapos masawi ang 93 pang pasyente. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *