PH, nagtala ng 7,485 new COVID-19 infections; Active cases, halos 57,000 pa

Panibagong 7,485 katao pa sa Pilipinas ang kumpirmadong nahawa ng COVID-19, dahilan para tumaas ang kabuoang case count sa 1,293,687.

Ayon sa Department of Health, mula sa kabuoang bilang 56,921 o 4.4% ang active cases, na binubuo ng 92.6% na nakakaranas ng mild, 3.2% ang asymptomatic, 1.18% ang moderate, 1.7% ang severe, at 1.3% ang nasa kritikal na kondisyon.

Kaugnay nito, 122 pang indibidwal ang nasawi mula sa naturang sakit dahilan para dumami pa ang death toll sa 22,312.

Samantala, tumaas naman ang bilang ng survivors sa 1,214,454 matapos maitala ang 4,504 pang recoveries.

Hindi naman kasama sa bilang ang resulta mula sa apat na testing laboratories na hindi nakasumite ng kanilang datos on time. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *