PH, nagtala ng 805 severe, critical COVID cases -DOH

Inihayag ng Department of Health na nakapagtala sila 805 o 12.3 percent ng mga COVID-19 patients na nasa mga ospitals, na nasa severe at critical condition.

Sa latest bulletin ng DOH, ang bilang ng mga okupadong intensive care unit (ICU) beds sa buong bansa ay nasa 704 o 17.8 percent ng kabuoang 3,473.

Nabatid na mula March 14 hanggang 20, nakapagtala ang Pilipinas ng 3,572 na mga bagong kaso ng COVID-19 o average na 510 per day, na 13 percent na mas mababa kumpara sa mga kaso na napaulat noong mga naunang linggo bago nito.

Matatandaan na unang nakumpirma ng Pilipinas ang pinakaunang kaso ng COVID-19 noong January 2020, sa isang Chinese na babae na dumating mula sa Wuhan City, China, kung saan pinaniniwalaang unang lumabas ang naturang sakit. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *