Covid Update

PH, nagtala ng higit 8,000 new cases sa ikalawang sunod na araw na

Nagtala ang Pilipinas ng 8,615 na mga bagong kaso ng COVID-19, dahilan para sumipa ang kabuoang bilang nito sa 2,683,372.

Ayon sa Department of Health (DOH), ito na ang ikalawang sunod na araw na ang mga bagong kaso ay lampas sa 8,000.

Hindi pa kasama sa bilang ang resulta mula sa tatlong COVID-19 testing laboratories, na hindi nakasumite ng datos on time.

Mula sa total number of infections, 3.1% o 82,228 pa ang active cases na mas mababa simula sa 81,399 noong August 11.

Samantala, umakyat ang COVID-19 death toll sa 39,896, matapos masawi ang 236 pang pasyente, habang ang total recoveries ay nasa 2,561,248, matapos gumaling ang 25,146 pang pasyente mula sa respiratory illness. //MHEL PACIA-TRINIDAD

BNFM National

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

11 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

11 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

11 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

11 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

11 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

11 hours ago