Ph, nagtala ng positivity rate na 5%, lowest simula noong Dec 27, 2021

Naitala sa Pilipinas ang positivity rate na 5 percent sa COVID-19, na pinakamababa ngayong taon, at pinakamababa rin simula noong Dec. 27 nang nakaraang taon.

Mababatid na simula bukas, ang Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon, CAR, ang Ilocos Region, at Cagayan Valley ay ibababa na sa Alert Level 1, matapos na bumaba na ang bilang ng infections, at mataas na vaccination rate.

Sa gitna nito, nagbabala naman ang grupo ng mga doktor na hindi pa naman malinaw kung ang COVID-19 situation sa Pilipinas ay pumasok na sa endemic stage.

Batay sa official reports ng Johns Hopkins Coronavirus Resource Center, na sa buong mundo, ang novel coronavirus ay nagdulot ng mahigit 434 million infections at mahigit 5.9 million deaths, simula nang mapaulat ang unang kaso sa Wuhan, China noong late 2019. //MPT

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *